Panoorin: Babaeng Palaging Nananaginip ng ‘Dumi’ Naging Milyonarya! Simbolo Daw Ito!

Bago pa man niya natamasa ang inaasam-asam na tagumpay, sunod-sunod na dagok ang hinarap ng negosyanteng si Ethell Bangkas na noo’y isang seafarer. Ngunit sa isang maruming panaginip, sino’ng mag-aakalang dito na pala magsisimulang magbago ang buhay niya? Ang kuwento ng tagumpay ni Ethell, tunghayan sa video na ito. ~KMJS

Ayon sa pagsasadula ng KMJS, si Ethel ay nagmula sa isang pamilyang hindi mayaman at hindi rin mahirap, Isa siyang tinder sa kanilang sariling tindahan, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nasunog ang tindahan nila na tanging pinagkukuhanan ng pera ng kanyang pamilya.

Dahil ditto, nag-apply si Ethel bilang isang school-assistant sa kaniyang pinapasukang eskwelahan at nagging working student upang magkaroon ng scholarship dahil din sa hirap ng buhay nila sa mga panahong iyon.

Lumipas ang panahon, siya ay nakagraduate at mabilisang nakatanggap ng trabaho sa America. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, siya ay nabuntis at umuwi na lamang sa Pilipinas upang manganak at mag-pakasal.

Matapos ang isang buwan ay iniwan nito ang kanyang pamilya para muling makipag sapalaran sa ibang bansa. Ngunit bumulagta nanaman ang kagimbal-gimbal na balita ng nakatanggap siya ng text na na-diagnose daw ang kanyang ina sa Cancer.

At sa ikalawang pagkakataon ay nabuntis nanaman uli at umuwi na lamang at nag desisyon na mag tinda na lamang ng buko shake sa kalye.

Ibinahagi niya ang kanyang hindi-pangkaraniwang panaginip kung saan ay paulit-ulit itong lumalabas sa kanyang pag-tulog. Ito ay Pupu o Dumi at ito pala ay nagging senyales ng magpapabago sa kaniyang buhay.

Panoorin ang video…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *