‘Pag Uwi Mo Ganito Masasakyan Mong Jeep’ Viral Ang Jeepney Na Ito Matapos Na I-share Ng Isang Netizen Kung Ano Ang Kanyang Nakita Sa Loob Nito!

Hindi talaga maiiwasan ang pagkaka-inkwentro ng traffic sa araw-araw nating pag-alis. Ayon kay Sheilah Napalang, na direktor ng National Center for Transportation Studies. Isa sa sanhi ng lumalalang trapiko ay dahil sa mga taong mainipin at silang mga hindi tumutupad sa mga batas pantrapiko.

At dahil sa tagal ng usad ng sasakyan sanhi ng trapiko, ay hindi natin maiiwasang mabagot at mangyamot. Ngunit tila may sagot na sa problemang ito matapos na ibahagi ng isang netizen na kilala bilang si Mar Fernandez ang kanyang inkwentro sa isang Jeep pauwi na sa kanilang bahay ng isang gabi.Ito ang sinabi nya sa kanyang post sa Facebook:

Kagabi: Yong pagod ka galing trabaho, pag uwi mo ganito masasakyan mong jeep. Aliw! Haha. May CCTV, pag di ka nagbayad, huli ka! May Videoke, libre pamasahe pag ika’y kumanta. May tatlong magkahiwalay na buzzer para di na kailangang sumigaw ng ‘paraaaa’. Ang matindi, may pa-wifi pa!  ðŸ˜‚ 😂. Salamat sa jeep ni Koyaaa  ðŸ˜‚ 😂 😂

#ByahengBaclaranToSucat

Anong masasabi mo sa jeep na ito? Huwag mag-atubiling i-share ito ng Makita din ng ibang tao at wag kalimutang mag iwan ng komento sa baba 😊
Source: Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *